He currently stars in the GMA TV series Reel Love Presents: Tween Hearts playing the role of musician Jacob Vega, and also in Captain Barbell[2] as Alden/Spin a boy whose super weapon is top along with his leading lady Bea Binene. He is also regular in Walang Tulugan with the Master Showman.
Studio Album
Artist | Album | Tracks | Year | Records |
---|---|---|---|---|
Jake Vargas | Ngiti | Ngiti Kahit Umiwas Pa (Dong Yi - TV Soundtrack) Basta't Kasama Kita (Secret Garden - TV soundtrack) Miss You Like Crazy When I Look Into Your Eyes Maghihintay Sa'yo (The Baker King - TV soundtrack) Sana'y Ako Na Lang Can Be Mine Kiss Me, Kiss Me Ngiti (Acoustic Version) | 2010 | Dyna Records |
Bukas sa publiko ang balitang may colon cancer ang ina ng young star na si Jhake Vargas.
Bali-balita rin noon na may taning na daw ang buhay nito.
Pero hindi ito inalintana ng Kapuso Star, bagkus lalo siyang nagsikap sa kanyang trabaho upang matustusan ang gastusin para sa chemotherapy ng ina.
Ngunit isang malungkot na balita ang nakarating kay Jhake kahapon, Nobyembre 26, habang nasa mall show sila sa SM Rosales, sa Pangasinan.
Pumanaw na ang kanyang inang si Magdalena Vargas, edad 54, matapos itong makipaglaban sa colon cancer sa loob ng limang taon.
Mga alas tres kaninang madaling araw, Nobyembre 27, dumating ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa tahanan nina Jhake sa may Olongapo City.
Nadatnan namin doon ang ilang tween stars na kasama ni Jhake sa Party Pilipinas at sa GMA-7.
Ani Jhake, "Si Kuya Germs ang nagbalita sa akin. Hindi pa rin siya nag-sink in sa akin."
Umiyak na lang daw siya at pumunta sa kanyang sasakyan at itinodo na ang pag-iyak.
Alas-singko y medya ng hapon pumanaw ang kanyang ina at mga alas nuebe na nang gabi dumating si Jhake sa kanilang bahay.
Sabi niya, "Pinuntahan ko kaagad si Mama sa kuwarto.
"Hinawakan ko ang kanyang kamay at medyo malambot pa ito.
"Umiyak ako sa tabi niya."
Pagkatapos nito, saka pa lang dinala sa punerarya ang mga labi ni Mommy Magdalena.
Mga alas-dos y medya ng madaling araw nang ibinalik ito sa kanilang tahanan.
Emosyunal pa rin si Jhake pati na ang mga kapatid nito at ama.
Ayon pa sa kanyang amang si Miguel, "Siya lang ang nag-iisang babae sa buhay ko.
"Nagpakasal kami ulit sa simbahan noong 37th year anniversary namin dahil sabi niya gusto niyang makapagsuot ng trahe de boda."
Kuwento pa ni Tatay Miguel, ikinasal daw sila noon ni Nanay Magdalena sa huwes at isang mass wedding pa ito.
Pangako naman ni Jhake, "Ipagpatuloy ko Ma, ang nasimulan kong pagtaguyod sa ating pamilya."
No comments:
Post a Comment